Magsasaka, Dinukot Na, Pinatay Pa

PATAY ANG isang mister nang bistayin ng bala ng tatlong mga armadong salarin matapos na dukutin sa kanilang bahay sa Sitio La-ao, Brgy. Nabasagan, Claveria, Masbate.

Nakilala ang biktima na si Reynaldo Segarino alyas Loklok, 49, may asawa, magsasaka at residente ng Sitio Bodega, Barangay Pasig, Claveria ng nasabing lalawigan.

Isa naman sa mga salarin ay kinilalang si Jessie Pagadora at dalawa pang hindi nakilalang suspek.

Lumalabas sa report ng mga awtoridad, ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng hapon habang ang biktima ay nakikipagkuwentuhan sa kanyang pamilya sa loob ng kanilang tirahan nang pasukin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo na dumating sa lugar.

Walang nagawa ang biktima nang tutukan ng baril saka kaladkarin ng mga salarin na pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol sa lugar na pinagdalhan dito at iniwang nakabulagta ang bangkay sa tabi ng kalsada.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng masusing pagsisiyasat ang mga kinauukulansa kasong ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.