Magsasaka, Binoga sa Sakahan, Patay

PATAY ANG isang magsasaka matapos itong barilin habang nagsasaka sa kanilang lupain sa lalawigan ng Sarangani.

Ayon kay Insp. Rodel Jabison, chief of police ng Malapatan PNP, ang biktima ay kinilalang si Tirso San, 28, residente ng Sitio Malaputay, Brgy. Patag, Malapatan, Sarangani.

Nakarinig na lamang umano ang asawa ng biktima ng putok ng baril at nagtaka bakit hindi nakauwi ang kanyang mister para mananghalian, ani Jabison.

Pinuntahan nito ang kanilang lupain, mga 200 metro mula sa kanilang tahanan, at natagpuan ang mister na wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo.

Pitong sugat sa katawan ang tinamo ng biktima mula sa tama 12-gauge shotgun.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo sa nasabing pamamaslang. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.