Magsasaka, Binoga na, Pinugutan pa sa Harap ng 2 anak

KAMATAYAN ANG agad na sumalubong sa 44-anyos na magsasaka matapos na pagbabarilin ay pinugutan pa ng nakaalitang kabaro sa harap ng kanyang dalawang anak sa Barangay Batuila sa bayan ng Baleno, Masbate kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang napaslang na si Alex Cos habang tinutugis naman ng mga pulis ang suspek na si Erwin Bagalihog na sinasabing pugante sa kasong arson noong 1998 sa bayan ng Aroroy.

Batay sa ulat, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang dalawang anak patungo sa kanilang lolo nang makasalubong ang salarin.

Dito na pinaulanan ng bala bago pinugutan ang biktima, kung saan pinaniniwalaang alitan sa lupain ang isa sa motibo sa ginawang pamamaslang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.