Magsasaka at Kalabaw, Tigok sa Kuryente

NAMATAY ANG isang magsasaka at ang kalabaw na kanyang kaagapay sa kanyang pagsasaka matapos silang sabay na makuryente sa Sitio Bitoon, Barangay Tamil, Jose Dalman, Zamboanga del Norte.

Ayon sa Sindangan municipal police station, nabatid na lulan ng kalabaw ang kanyang among magsasaka na kinilalang si Marthur Legarto Macion, 26, residente ng Barangay Misoc ng naturang bayan, nang maganap ang insidente.

Nakaharang uma-no ang live wire ng Zamboanga del Norte Electric Cooperative sa dinadaanan ng biktima at bigla niya itong hinawakan kaya nakuryente ito at ang kanyang alagang kalabaw.

Sa ngayon, inaalam pa rin ng mga awtoridad kung sino ang dapat managot sa naturang insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.