Magre-renew sa Siyete o lilipat sa ibang network?
Marian Rivera, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, mga endo na!

WHAT WOULD Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at Marian Rivera do para sa kanilang career?

Well, nakasalalay sa kanilang mga desisyon ang ipagpapatuloy at ikakaganda ng kani-kaniyang showbiz carreer.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa raw nakapagdedesisyon ang tatlo kung magre-renew ng kanilang kontrata sa home network. At kung totoo na nagbabalak silang lumipat ng TV network pagkatapos na mag-expire ang kanilang kontrata sa GMA-7.

Dapat gamitin nila ang kanilang utak at huwag pasusulsol kahit kanino, maging sa kanilang manager, kung sa palagay nila ay babagsak nang tuluyan ang kanilang career sa magiging desisyon kung magre-renew ng kontrata or magpapasyang lumipat ng TV network.

Make sure na kung lilipat ng network, maganda ang magiging exposure, project at hindi ‘yung isasama lang sa isang project para magkaroon or masabi na may project.

Tandaan din ang kasabihan, ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay…. ‘di ba?

Si Dingdong, may napatunayan na may ibubuga talaga sa pag-arte, not like Chard na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ng detractors na hindi raw marunong umarte, hanggang pa-cute lang daw ang napatunayan ng actor.

Marian should think many times kung mabibigyan ba siya ng kasing gandang project na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA-7 kaya sumikat, kung maisipang lilipat sa ibang network.

 

INAMIN NI Maxene Magalona na ginawa nila ang lahat para maisalba ang pagmamahalan nila ni Renz Fernandez.

Almost eight months din daw tumagal ang relasyon nila ng binatang anak nina LT at nang namayapang si Rudy Fernandez bago sila tuluyang naghiwalay noong nakaraang buwan.

“If you are no longer happy with something, there’s no reason to hold on to it anymore.

“Kami ni Renz, we wanted to make things work. Kaya nga umabot kami ng eight months. Pero lumalabas pa rin ‘yung mga nagiging problema namin with one another.

“’Yung inaakala mo na okey na kayo, hindi naman pala. Marami pala kaming hindi napagkakasunduan at nagkapatung-patong na ‘yon.

“Kaysa naman lumaki pa ang problema namin, we decided to part ways. But we’re friends naman.

“Ayoko naman na umabot pa kami sa samaan ng loob ni Renz. Maliit lang ang mundong ginagalawan natin, lalo na rito sa showbiz. We can bump into each other unexpectedly.

“Kaya it’s better to end things na maayos at magkaibigan pa rin kami,” paliwanag ni Maxene.

Samantalang nakatulong sa paghihiwalay nila ni Renz ang pagbibigay kay Maxene ng project sa GMA-7, ang remake ng 1981 drama film na Mga Basang Sisiw para madaling magamot ang sugat sa puso ng dalaga ng namayapang si Francis Magalona.

 

HINDI NA mawawala sa puso at isip ni Bong Revilla ang ginawa niyang teleserye sa GMA-7, ang Indio.

Sa halos anim na buwang pagte-taping nila sa malalayong lugar ay marami ang mga natutunan niya at dagdag na kaalaman sa pag-arte.

Bago tinanggap ni Bong ang serye ay nagpauna na siyang first at last na teleserye niya ito na gagawin sa telebisyon.

Hindi lang pagod at puyat ang dinanas ni Bong at mga kasama sa serye kaya mami-miss daw niya lahat ito.

Dahil na rin sa mami-miss ni Bong ang biggest teleseryeng ginawa sa telebisyon, pinag-iisipan na raw nito ang plano na isalin sa pelikula ang Indio na posibleng isali sa festival.

Samantalang kahit magtatapos sa May 31 ang serye ni Bong, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang Kap’s Amazing Stories sa GMA-7 dahil kada episode ng show ay nakapagbibigay-aral sa televiewers, lalo na sa mga mag-aaral.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

20 thoughts on “Magre-renew sa Siyete o lilipat sa ibang network?
Marian Rivera, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, mga endo na!

  1. Kung hanap nila palaging may project pero wla namang dating na projects, stay na lng.pero kung gusto nila ng growth sa career, (ibig sabihin hindi palagi may project pero may quality naman ang mga gagawin each time) Lipat na lng sila….

  2. Sa gma lima lang talaga ang panlaban nila sa abs: marian,heart,dingdong,richard at dennis…sila lang talaga! Kaya wag nalang lumipat ang tatlong yan,atleast sa gma parati may project

    • Kung lilipat sila sa ABS which we do not know if they need them pa! Then you can reassure nagmakakaroon sila ng AWARDS which you will hardly receive from GMA. It is a REALITY talaga! HAVE YOU SEEN GUILLERMO AWARDS LATELY HALOS 2% LANG GALING SA GMA!!! but to have a regular (job) project which sila lang naman talaga ang natitirang good actors stay where you are. But Dingdong you should transfer to ABS!!! HAHAHA!!!

  3. For me hindi sila sisikat pag lumipat sila sa abs…kunti lang magiging exposure nila dun,mas priority nila ang mga bata..kung sa tv 5,naku wag nalang..lol

  4. YAHAHAHAH BAKIT NAMAN MAG I IMPORT PA NG IBANG TALENTS ANG DOSPORDOS NETWORK,,,,ANG DAMI NA NGA NILANG TALENTS NA NAKA TENGA,,,,,NANDUN SA KUWADRA NG STAR MAGIC, PARA SILANG MGA SARDINAS    HAHAHAHHA…..ANG TANONG…..MAY PONDO PA BA SILA SA MGA TF…YAHAHAHAHHA BALITA KO NAGTITIPID NA SILA SA MGA TF,,,,HAHAHAHA,,,MAG CONCENTRATE NA LANG SILA SA MGA HOMEGROWN TALENTS NILA……ANYARE KINA IZA AT ANGEL…MGA REYNA NG GMA7 DATI,,,PAG DATING SA DOSPORDOS…..SAHOG SAHOG NA LANG,,,HAHAHAHHA TENGA QUEEN NA SILA,,,TINGNAN NINYO NANGYARI KAY ANGEL, DAHIL SA KAKULANGAN NG PROJECT,,,NAGKA PROBLEMA SA FINANCIAL NIYA,,,,,HAHAHHAHA, PROBLEMA PA YUNG BF NIYANG SIYA ANG NAGPAPASAN…..MALA AI AI NA ANG DATING NI ANGEL….YAHAHAHAHAHA

      • agri ako teh,..wawa nman ang gma kapuso pg lumipat ang  3 yan mawawalan na cla ng big star?  pero my offer nman kya ang dos sa kanila e sobrang dami nanga ng stars nila dun at siksikan na…bka nga ngpapataas lng ng presyo mga yan at ngpapahabol kya kunwari my offer oder stations khit wala nman…strategy na ngmga mgeexpire ang contrak ang gnyang gimik…

  5. magaling mag pa sikat ng star ABS, but if sa GMA sila, sila lang priority don, if sa ABS, marami na sila, of course mas unahin ang home grown talents nila.

  6. I believe pag lumipat sila sa abs-cbn lalo silang sisikat dahil mas popular ang dos kaysa sa siete sa dami nang manonood at mas me class ang dos kaysa sa siete.

  7. Kapag lumipat ang tatlong yan for sure lalo silang lalaos,.goodluck nalang sa kanilang tatlo kung lilipat sila…pero magiging happy ako kung lilipat sina dd at mr para tuluyan na silang malaos..lol chard stay ka lang as kapuso.ikaw ang hari dun

    • PARANG DI KO NAKIKITA NA LILIPAT YANG TATLONG YAN, KASI SILANG 3 NA ANG HARI AT REYNA SA GMA EH. SO, GAGAWIN NG GMA ANG LAHAT PARA I-KEEP SILA KAHIT PA SIGURO DOBLEHIN ANG TF. PAG LUMIPAT NAMAN SILA SA ABS, ANG DAMI NA NILA DOON. BETTER YET, LUMIPAT NA LANG SILA SA TV5. HAHAHAHAHA.

      ANG NABABASA KO EH SI ALJUR DAW ANG NAG-IISIP LUMIPAT SA DOS KASI DI NA SYA NABIBIGYAN NG LEAD ROLES. PLUS, TINUTULUNGAN DAW NG ISANG “POWERFUL” CELEBRITY NG DOS NA MAKALIPAT SYA. HINDI KAYA SI ATE BOY ITECH? ABANGAN!

      • in his case bright move yun kay aljur baka sakaling gumaling pa sya sa acting, magaling naman sya mag sayaw at kumanta kaya kung hahawakan sya ng dos baka may chance na gumaling sya sa acting. in fairness sa GMA kahit di lead ang role ni aljur sa GMA maayos ang naging exposure nya sa indio. 

      • YAHAHAHAHA PWEDE, TILAM NA TILAM KASI SI ATE BOY KAY ALJUR,,YAHAHAHHHA,,,,PWEDE RING SI JOBERT,,,,O BAKA SI MAMA DEO….NAGSAWA NA YATA KAY COCO,,,,AYYYYYY ANG MGA BEKI TALAGA NG DOSPORDOS NETWORK,,,,NAMAMAYAGPAG SILA….HAHAHA

    • kung may lilipat sa kanilang tatlo, tingin ko si dingdong dantes lang ang may pag-asa, kasi tuwing gumagawa siya ng movie sa star cinema, nagkaka-award siya, di gaya sa gma films, hahahaha

      • AGREE TALAGA AKO DIYAN – WE DO NOT NEED MARIAN (PALENKERA) WE HAVE OUR OWN BETTER AND YOUNGER STARS !!! PERO OMG! MARIAN WILL DO EVERYTHING TO STOP IT SIGURO. A DAMI KAYANG NAGAGANDAHANG LEADING LADIES SA ABS!!! BWUAHAHAHAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.