Magpipinsang Dalagita, Nasagip sa Prostitusyon

NASAGIP NG PINAGSAMANG puwersa ng Navotas City Police at San Pablo Police sa Laguna ang magpipinsang dalagita na ipinasok sa beerhouse, Biyernes ng hapon, Oktubre 21.

Naibalik na sa kani-kanilang mga magulang ang mga biktimang edad 14,15 at 16, pawang ng Phase 3, Malabon City.

Nadakip naman si Edwin Bautista, 29, ng Phase 2, Navotas.

Lumalabas na noong Oktubre 17, 2011, hinikayat ng suspek ang mga biktima na mamasukan bilang katulong sa San Pablo City, Laguna.

Pumayag naman ang mga biktima subalit sa halip na katulong ay ipinasok ang mga una bilang Guest Relation Officer sa isang beerhouse sa San Pablo City.

Nang makarating sa mga magulang ng mga biktima ang nangyari ay agad na humingi ng tulong sa Navotas Police.

Dakong alas-4 ng hapon ay nakipag-ugnayan ang Navotas Police sa San Pablo Police at pinuntuhan ang beerhouse na naging dahilan upang maisalba ang mga biktima at madakip si Bautista.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.