Magpinsang bebot, Grabe sa Tiyanak

GRABE ANG kalagayan sa pagamutan ng isang magpinsang babae makaraan saksakin ng isang nagwawalang lalaki na gustong maghiganti sa mga kaanak ng mga biktima na umano’y bumugbog sa huli sa Caloocan City kahapon ng mada-ling-araw.

Kinilala ng Caloocan PNP ang magpinsang biktima na sina Alecia Marin, 44; at Maria Marin, 44, pawang residente ng # 74 Everlasting St., Bagong Barrio ng nabanggit na lunsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga elemento ng nasabing himpilan ng pulisya ang suspek na isang alyas Tiyanak na walang permanteng tirahan.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:40 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa harap ng bahay ng magpinsang biktima sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasayon ng Caloocan City Police Station, bago umano maganap ang pana-naksak ay pinagtulungan umanong bugbugin ang suspek ng mga kaanak ng dalawang biktima.

Makalipas ang may i-lang oras, nilusob ng suspek ang mga bumugbog sa kanya na may mga kasamang ilang kalalakihan na pawang armado ng samurai at mga matitigas na bagay.

Tinangkang pasukin ng suspek at mga kasama nito ang loob ng bahay ng dalawang biktima subalit humarang ang dalawang matanda kaya sila ang pinagbalingan saksakin ng nagwawalang suspek.

Si Alecia ay nagtamo ng tama ng saksak ng samurai sa leeg at ito ngayon ay nakaratay sa Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center habang ang pinsan nito ay ginagamot sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.