Magpinsan, Pinaulanan ng Bala sa Sayawan

NAUWI SA madugong pangyayari ang pakiki-pagsayawan ng magpinsan matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem kung saan napatay ang isa kamakailan ng madaling-araw sa Sitio Blue Diamond, Brgy. San Andres, Candelaria, Quezon.

Napuruhan sa batok at isa sa likurang bahagi ng ulo ang tumapos sa buhay ni Geronimo Umali, 18, habang tinamaan naman sa balikat ang kanyang pinsan na si Raymund Arhat, 18, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Papasakay na sa motorsiklo ang magpinsan upang umuwi matapos na dumalo sa sayawan nang sigawan ng isa sa grupo ng kalalakihan.

Tinangkang bumaba sa motorsiklo ang magpinsan subalit umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Samantala, may hinala ang mga kinauukulan na napagtripan ang mga biktima ng grupo ng suspek na lango sa alak at droga na dumalo rin sa sayawan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.