Magpinsan, Pinagtataga ng Grupo; 1 Patay, 1 Kritikal

TODAS ANG isang welder habang kritikal ang pinsan nito nang harangin at pagtatagain ng hindi pa kilalang grupo sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga taga sa katawan si Gerald Zamora, 24, ng Tinajeros ng lungsod.

Ginagamot naman sa Tondo Medical Center sanhi rin ng mga taga sa katawan si Johnny Zamora, 53, ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-2 ng umaga, sakay ni Johnny ang nasawi sa pedicab at pagsapit sa Asero, Tuagatog ng lungsod ay hinarang ng mga suspek.

Pinababa ng mga suspek ang nasawi at pinagtataga kung saan tinangkang umawat ni Johnny subalit maging siya ay pinagtataga rin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang mga biktima sa mga nasabing ospital.

Inaalam na ng mga pulis kung sinu-sino ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.