Magpinsan, Patay sa Ambush sa Maguindanao

PATAY ANG magpinsan nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki sa bayan ng Parang sa Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Sa report ng Parang PNP sa Camp Crame, ang mga nasawi ay kinilalang sina Raul Tomawis at Sandiali Tomawis na pawang mga residente ng Cotabato City at napapabilang sa mga kilalang angkan sa Maguindanao.

Sinabi naman ni 6th ID public affairs chief Col. Prudencio Asto, na nangyari ang pananambang sa mga biktima dakong alas-2:20 ng hapon kamakalawa sa bahagi ng Brgy. Nituan, Parang, Maguindanao.

Pauwi na ang magpinsan sa Cotabato City lulan ng isang Toyota Hi-Ace nang bigla na lang sumulpot ang ‘di nabatid na bilang na mga kalalakihang armado ng matataas na kalibre ng baril sa bahagi ng Brgy. Nituan, agad na pinaulanan ng bala ang sasakyan ng magpinsan dahilan ng agarang pagkasawi ng 2 biktima.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa nasabing pananambang, ang awayan ng angkan ay isa rin sa tinitingnang motibo sa pang-a-ambush sa 2 biktima.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.