Magpinsan, Patay; 4 Pa, Sugatan sa Road Accident

MALAGIM ANG sinapit ng magpinsan na namatay kabilang ang isang menor, habang sugatan ang apat na iba pa nang banggain sila ng isang sasakyan sa bayan ng Ogbon, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasawi na sina Allan Joshua, 19, at Niño Fernando Relatore, 14, habang sugatan ang pinsan nitong si Cheska, 4, na pawang mga residente ng Barangay Sta. Lucia, bayan ng Nabua.

Batay sa impormasyong ipinalabas ng PNP Nabua, naglalakad lamang sa gilid ng kalsada ang magpi-pinsan nang mabangga ng multicab na minamaneho ni Virgilio Reyes, 45, ng Barangay San Antonio, Ogbon.

Galing umano sa Iriga City ang humaharurot na sasakyan nang hindi mapansin ang tatlo kaya’t nabangga ang mga ito.

Matapos ang pangyayari ay bumangga pa ang multicab sa poste ng kur-

yente dahilan upang masu-gatan din ang driver at mga sakay nitong sina Ronald Orbita at Allan Plotado.

Nadala pa sa ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ang dalawa.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.