Magpinsan, Kulong sa Pananakal sa Totoy

SWAK SA kulungan ang magpinsan na lalaki matapos sakalin at sapakin ang isang totoy habang nanonood ng dance contest sa Navotas kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Erwin Macarasig, 20; at  Richard Mia, 34, kapwa ng Buenaventura St., Tangos ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng umaga, nanonood ng dance contest ang biktimang si Jericho Adriano Ferrer, 13, sa basketball court sa nasabing lugar nang lapitan ng mga suspek at sakalin at suntukin.

Napansin naman ng mga pulis na nanga-ngalaga sa katahimikan ng lugar ang pangyayari na naging dahilan upang lumapit at dakpin ang magpinsan.

Nakuhanan pa ng jungle bolo si Mia na naging dahilan upang madagdagan ng kasong Illegal Possession of Deadly Weapon at paglabag sa Omnibus Election Code ang mga kasong Slight Physical Injury in Relation to Child Abuse dahil sa ginawa sa totoy.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.