Magpinsan, Kalaboso sa Ninakaw na Baka

NADAKIP ANG magpinsang itinuturing na notor-yus na magnanakaw ng baka sa Baao, Camarines Sur.

Kinilala ang mga ito na sina Elpidio Cartaniena at Robot Ramos.

Matagal na umanong minamanmanan ng PNP ang dalawa na siyang itinuturong responsable sa pagkawala ng mga ala-

gang baka ng mga residente sa nasabing lugar.

Nang arestuhin kamakailan ay narekober pa ng mga pulis ang isa sa dalawang bakang ninakaw ng mga ito sa may-aring si Eulalia Palencia habang ang isa ay nakatay na umano at naipagbili na sa palengke.

Nabatid na kabuuang P43,000 ang halaga ng dalawang baka.

Samantala, ayon naman sa magpinsan, hindi naman nila intensyong magnakaw ngunit inuutusan umano sila ng isang barangay tanod sa kani-lang lugar at pinagbabantaang papatayin kapag hindi sila nagnakaw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.