Magpinsan, bugbog-sarado dahil sa cellphone

 

BUGBOG-SARADO ANG INABOT ng magpinsan matapos na pagtulungan nang apat na lalaking nagtangkang umagaw ng kanilang cellphone kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Suntok, sipa at palo ng bote ang inabot nina Domel Catapia, 25-anyos, residente ng # 934 P. Lopez St., Brgy. New Zaniga ng nasabing lungsod; at pinsan nitong si Nelson Perez, 27, may-asawa, residente naman ng # 52-D Doña Cristeta, Pamplona 1, Las Piñas City.

Arestado naman ang mga suspek na sina Mark Jason De Castro, 20; Mark Florendo, 23; Jonathan Diebar, 23; at Michael Florendo, 20, pawang mga residente ng Welfareville Comp., Brgy. Addition Hills ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:45 ng madaling-araw sa tapat ng Profile Bar and Restaurant na matatagpuan sa Boni Ave., Brgy. Plainview, Mandaluyong City.

Nabatid na galing sa pag-inom ang magpinsan nang harangin ng mga suspek at agad na pinag-uupakan at nang bumulagta si Catapia ay pilit na inaagaw ng mga suspek ang kanyang Samsung SGH100 na nagkakahalaga ng P8,000.

Sa kabila ng pagkagroge sa gulpi at palo ay nanlaban pa rin ang biktima hanggang sa dumating ang mga rumespondeng pulis at naaresto ang mga suspek.

Sa himpilan ng pulisya ay itinanggi ng mga suspek na sila ang gumulpi sa dalawa at ayon sa kanila napagkamalan lang sila ng mga lasing na biktima.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.