Magpinsan, Bistado sa Pagnanakaw sa Hotel

 

ARESTADO ANG magpinsan na nagnakaw sa isang kuwarto ng hotel sa Zamboanga City.

Nakilala ang mga suspek na sina Carlito Taghoy at ang pinsan nito na si Myrna Tolentino ng Barangay Sucabon.

Ayon kay Wilma Jumadil Ampalan, guest sa hindi tinukoy na hotel, nakatulog siya nang mahimbing at hindi na niya napansin na may nakapasok na pala sa kanyang kuwarto.

Aniya, ikinagulat niya kung bakit nakabukas na ang pintuan ng kanyang kuwarto at wala na rin ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng mga cellphone, mga alahas, malaking halaga ng pera, at iba pang mga personal na gamit.

Kaagad naman siyang nakahingi ng tulong sa front desk ng hotel.

Ilang saglit pa ay napansin umano nila ang kahina-hinalang kilos ng mag-pinsan na naka-check-in sa kabilang kuwarto kaya kaagad hinalungkat ng security guard ang kuwarto ng mga ito at dito na nakita ang nawawalang shoulder bag ng biktima.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.