Magpapakamatay ‘wag lang maalis sa puwesto Echiverri, desperado!

“KAHIT IKAMATAY KO pa, ‘di ako aalis sa puwesto!” Ito ang mariing sinabi ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, bilang tugon sa inilabas na 6-na buwang suspensiyon ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro noong July 17, 2011, kaugnay ng kasong isinampa sa Ombudsman ni Caloocan Vice Mayor Edgar Erice sa hindi pagre-remit umano ng alkalde ng may P343 milyong GSIS contribution ng mga empleyado ng nasabing pamahalaang lungsod.

Kabilang sa mga kinasuhan sa Ombudsman sina City Treasurer Evelina Garma, City Budget Officer Jesusa Garcia at City Accountant Edna Centeno.

Sa isinagawang prostesta sa nasabing city hall sa pa-ngunguna ni Mayor Echiverri, lumalabas na tila hindi iginagalang ng alkalde ang nasabing desisyon ng Ombudsman kaugnay ng kaso. Base sa reklamo, aabot sa P343,814,739 ang umano’y hindi ni-remit ng lokal na pamahalaan ng Caloocan sa GSIS bilang premium contributions ng mga empleyado ng city hall mula Hulyo 1997 hanggang Disyembre 2002, at Enero 2007 hanggang Disyembre 2010.

Bagama’t itinatanggi ni Echiverri ang alegasyon, isinisi naman nito ang nasabing problema sa nagdaang administrasyon ni Mayor Rey Malonzo.

Bilang paggigiit sa kanyang puwesto, sinabi pa ni Echiverri na, “Ang ipinaglalaban ko rito hustisya, kahit makulong pa ako at ikamatay ko pa dahil lamang sa maling order, ay nasasakripisyo ang buong Caloocan.”

Ayon naman sa mga empleyado ng city hall na ayaw magpabanggit ng pangalan, ang kapakanan umano nila ang ginagawang sakripisyo ni Echiverri, manatili lang sa puwesto ang mayor.

Reklamo pa ng mga residente, mas kawalan ng hustisya ang pagpipilit umano ni Echiverri sa puwesto sa kabila ng ibinabang suspensyon ng Ombudsman, gayong wala rin naman umanong ginagawang aksiyon ang kanilang alkalde laban sa mga iligal na gawain, tulad ng sugal at Jueteng, prostitusyon at droga, sa kanilang lungsod.

(Parazzi Reportorial Team)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Magpapakamatay ‘wag lang maalis sa puwesto Echiverri, desperado!

  1. asus, si roman magpoc at si erice ba nagsabi sa inyo nyan? e amo ni magpoc si erice binabayaran para siraan ung mayor na ka tandem nya nung eleksyon tapos ngaun tinutuka nya hehehhe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.