Magnitude 4.1 na lindol naramdaman sa Ilocos Norte

NAITALA ANG 4.1 na lindol sa Ilocos Norte bandang alas-6:08 kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa bayan ng Currimao, ang sentro ng lindol sa layong 10 kilometro timog-kanluran. Labing pitong kilometro ang lalim ng lindol na nagmula sa tectonic.

Naramdaman din bandang alas-12:51 kahapon ng madaling-araw ang mahinang pagyanig sa Occidental Mindoro.

Nasa Lubang ang sentro ng lindol sa 30 kilometro timog-kanluran, 57 kilometro ang lalim na nagmula sa tectonic.

Wala namang na-balitang pinsala o aftershocks sa mga nasabing lugar. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.