Magnanakaw, Naghukay sa Lupa; P1-M Alahas, Cash, Natangay

TINATAYANG P1 mil-yon ang katumbas na halaga ng mga alahas at cash ang natangay ng mga magnanakaw matapos na looban ang Mercedez Pawnshop na nasa Pioneer Avenue sa General Santos City.

Nadiskubre ang naturang  panloloob nang bumalik na sa trabaho ang mga empleyado kamakalawa at nalaman ang pagnanakaw.

Mahigit sa P900,000 ang halaga ng mga alahas maliban pa sa P60,000 na cash ang nakuha sa drawer.

Nanakawan ang nasabing pawnshop matapos gumawa ng hukay ang mga kawatan papuntang box culvert hanggang sa makarating sa loob.

Palaisipan naman sa mga kinauukulan kung bakit hindi tumunog ang alarm ng pawnshop kaya’t hindi nakapagresponde ang pulisya.

Narekober ng mga awtoridad ang ginamit na dalawang jack, maliit na acetelyn tank, martilyo, steelbar, isang pala at pinggan na posibleng ginamit na panghawi ng buhangin.

Samantala, naniniwala ang mga kinauukulan na planado ang panloloob sa pawnshop at inaalam pa kung sinu-sino ang mga salarin sa krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.