Magnanakaw, Itinumba ni Blackout

TODAS ANG sinasabing magnanakaw makaraang pagbabarilin ng isang alyas Blackout habang ang una ay nakatambay sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng tama ng tatlong bala sa katawan si Jun Serencio, 25, ng Judge Roldan St., Tangos ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Blackout.

Base sa ulat, alas-2 ng madaling-araw, nakatambay ang biktima sa Leongson St., San Roque ng lungsod nang pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kung saan nakuhanan ng itim na bonnet ang biktima.

Sinasabing batikang magnanakaw ang biktima sa nasabing lugar.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.