Maglolo Patay sa Tahong; 20 pa, Naospital

DALAWA ANG kumpirmadong patay matapos makakain ng tahong na positibo sa red tide sa Barangay Gallego sa Tarangnan, Samar.

Kinilala ang ang mga biktima na sina Junbert Malabosa, 3-taong gulang; at ang lolo nito na kinilalang si Elpidio Malabosa, 50.

Unang binawian ng buhay ang bata noong Lunes at sumunod ang lolo kinabukasan.

Bukod sa dalawa, mayroon pang 20 residente mula sa Barangay Gallego at Barangay Bahay sa Tarangnan ang patuloy pang ginagamot sa iba’t ibang pagamutan.

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na positibo sa paralytic poisoning o red tide ang Cambatutay Bay sa Tarangnan Samar.

Samantala, ito ang unang pagkakataon na nag-positibo sa red tide ang nasabing baybayin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.