Maglolo, Binoga; 1 Patay, 1 Kritikal

BUTUAN CITY – PATAY ang isang lolo, habang sugatan naman ang kanyang apo matapos barilin sa loob ng kanilang bahay ng hindi

nakilalang suspek pasado alas-7 ng gabi, kamakailan.

Nakilala ang namatay na si Proceso Lamanilao, 70, habang ang sugatan ay ang 19-anyos nitong apo na si Rico Lamanilao, parehong residente ng Brgy. Sta. Cruz, Tagbina, lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, nanonood ng TV ang dalawa nang bigla na lang pumasok ang isang armadong lalaki dala ang isang kalibre .45 na pistola sabay baril kay Proceso sa noo sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Habang dinala naman sa ospital ang apo nitong si Rico na nagtamo ng tama sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Dali-dali namang tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon at narekober ng mga nagrespondeng pulis ang dalawang slugs, isang empty shell at isang live ammunition ng naturang armas.

Patuloy pang inaalam ng mga kinauukulan ang motibo sa naturang krimen at paghuli sa mga responsable.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.