Maglola, nilamon ng apoy

COMPOSTELA VALLEY – DALAWANG katao ang nasawi nang masunog ang kanilang tahanan sa Compostella Valley.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina Lucita Infante, 59 anyos at Christopher Infante, 12 anyos pawing resident eng Purok 13, Sitio Valma, Brgy. Ngan, Compostella.

Ayon kay Compostella Valley PNP Dir. Sr. Supt. Aaron Aquino, dakong alas-8:00 ng gabi kamakalawa nang matupok ang tatlong kabahayan na pag-aari nina Rolando Infante, Lyn Ramoso at Nelson Goc-Ong.

Sinasabing nagmula ang sunog sa kusina nina Infante hanggang kumalat sa mga nabanggit na kabahayan.

Umabot pa ng apat na oras bago naapula ang apoy.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.