Maglola, Binangga ng Kotse, Sugatan

SUGATAN ANG mag-lola sa Lucena City matapos mabundol ng isang kotse.

Base sa impormasyon, nasa gilid ng kalsada ang mga biktimang sina Arcelita Peregrin, 57-anyos at Genny Rose, 13 na parehong residente ng Barangay Gulang-gulang nang mabangga ng kotse na minamaneho ni Joseph Christian Albunan.

Nabatid na nakasunod si Albunan sa kotse ni Albert Villamayor nang bigla itong huminto nang mapansing inaayos pala ang kalsada.

Sa biglang preno ni Villamayor, nakabig ni Albunan ang manibela patungo sa direksyon ng mga biktima.

Sa lakas ng impact, nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ang maglola na agad dinala sa pagamutan.

Samantala, depensa naman ng dalawang driver, walang early warning devices sa kalsada kaya nangyari ang aksidente.

Sa ngayon, patuloy naman ang pagpapagaling ng dalawang biktima na hindi na nagsampa ng reklamo sa mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.