Maglalagablab na ang mga Bulaklak!

GUMILING NA NGA ang kamera para sa ikalawang dramaserye ng TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak at bonggacious ang first airing nito noong Lunes with no commercial break pa, huh! Mukhang kaabang-abang ang bagong seryeng ito dahil fi rst episode pa lang eh, kabog na kabog na sa mga maiinit na eksena. Kalokah! In fairness sa dalawang young actress na bida sa nasabing soap na sina Arci Muñoz at Ritz Azul, talagang ipinakita nila ang gustong makita ng mga kalalakihang manonood, ha-ha!

Sa lahat ng bumubuo ng dramaserye, congratulations sa inyo mga ate’t koya. Napansin ko lang na late na itong nagsimula dahil always late na ring natatapos ang show ni Willie Revillame… ano pa ba ang aasahan, ‘di ba? Chos!

Samantala, narito ang mga kuha sa likod ng kamera habang nagti-taping ang Mga Nagbabagang Bulaklak sa UAP Building sa Tomas Morato, Quezon City noong March 21. Halina kayo at makiride on sa naglalagablab na paghahanda ng ilan sa mga cast. Tsuk! (Photos by Luz Candaba)

Ni MK Caguingin

Sugod Shooting
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.