Magkumare, Sinumpak ng Tatlo Bago Hinoldap

SINUMPAK MUNA bago kinuha ang pera ng magkumareng magkaangkas sa motorsiklo ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Inoonserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga tama ng shrapnel sa katawan si Hazel Baguio, 32 ng J.P. Ramos st., Talipapa, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat, alas-3:30 ng umaga, angkas sa motorsiklo si Baguio sa kumareng si Lalaine Sosa, 38 ng Arellano St., Bagong Barrio at pagsapit sa B. Serrano Street ng nasabing lungsod ay sinumpak ng isa sa mga suspek sakay ng tricycle na hindi na nakuha ang plaka.

Tinamaan si Baguio na naging dahilan upang ihinto ni Sosa hanggang sa mabilis na nagsilapit ang mga suspek at kinuha ang P21,300 dala ng magkumare.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek patungong Balintawak, Quezon City habang dinala ni Sosa si Baguio sa MCU Hospital.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.