Magkasintahang Pumatay sa Amo, Kalaboso

NASAMPAHAN NA ng kasong Murder ang magkasintahan na nakapatay ng 62-anyos na biyuda sa General Santos City.

Ayon kay P/Insp. Jeniffer Molina, ang deputy station commander ng San Isidro police station, dinala na sa Prosecutor’s Office ang mga suspek para sa pormal na pagsasampa ng kaso.

Una rito, noong Oktubre 29 ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay si Carmen Gabato sa loob mismo ng tahanan nito sa Yumang, Brgy. San Isidro sa nasabing lungsod.

Ang mga salarin ay sina Jeppie Otañez na gumamit ng patalim na galing sa kasintahang si Tersey Lumindog na kasambahay ng biktima.

Nangyari ito dakong alas-11 ng umaga kamakailan nang makita umano ng biktima ang suspek na nagtatago sa kanilang palikuran makaraang unang nagtago sa ilalim ng higaan sa loob ng kuwarto ng kasambahay na si Lumindog.

Nagalit umano si Gabato at kinalmot ang salarin kaya’t inundayan ito ng saksak sa tiyan, leeg at ibang bahagi ng katawan.

Sandaling umalis ang magkasintahan para sa pagbili ni Tersey ng manok na kanilang dadalhin sa pag-uwi sa Davao del Sur habang ang lalaki ay dumiretso sa Brgy. Apopong.

Sa kanyang pagbalik, bandang ala-1:30 ng hapon, ay saka pa humingi ng saklolo ang kasambahay sa mga kapit-bahay para tulungan ang matandang nakahandusay sa sahig ng palikuran kaya’t dinala sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Samantala, agad na siniyasat ng mga kinauukulan si Lumindog at sa pamamagitan ng kanyang text message kay Otañez na magkikita sila ay saka ito natimbog at ikinulong sa bilangguan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.