Magkasama sa lilipatang condo Kris Aquino at James Yap, okay na raw! – Lolit Solis

NAGPA-INTERVIEW SI KRIS Aquino sa Startalk para ikuwentong okay na raw sila ni James Yap.

Naku, ha?! Magkaayos din naman kaya ang dami nang nadamay? Kaya siguro sa susunod, tahimik na lang talaga at ayusin na nilang mag-asawa kung ano mang problemang dumating sa kanilang relasyon.

Kunsabagay, in fairness naman kay Kris, nagsimula namang umingay ito nang magpa-interview naman ang uncle nu’ng Mayen Austria na ‘yun na lumabas sa Inquirer.

Mabuti na lang may sinulat din nu’ng araw na ‘yun si Ricky Lo na inilabas naman ang side ni Kris kaya nalinaw naman ito agad.

Pero sabi nga ni Kris, tumawag daw ang pamilya nitong Mayen sa kapatid niyang si Pinky at doon nila ipinangako na hindi na sila magsasalita at mananahimik na rin sila.

Kaya lang, lumabas na at pinag-usapan kaya tuloy nabuking na ‘di naman pala kagandahan itong Mayen.

Pagkatapos ni Hope, may Mayen, sino pa kaya ang susunod?

Sabi naman ni Kris sa interview sa Startalk, sinisikap naman daw nilang mag-asawa na magkaayos alang-alang na lang kay Baby James at pati na rin kay Joshua.

Pero siguro naman hindi sila magkaayos at magsasama para lang sa bata kundi para na rin talaga sa relasyon nilang mag-asawa.

Baka mamaya nagsasama nga sila sa iisang bubong pero parang hindi naman mag-asawa ang turingan, parang hindi naman yata maganda ‘yun.

May nagkuwento ngang ilang taong malapit sa kanila na mukhang magkakaayos naman daw silang dalawa pero parang hindi na raw maaalis ‘yung parang may wall na hindi na sila ganu’n kakumportable sa isa’t isa.

Baka konting isyu lang, away na agad. Kaya dapat mag-usap sila nang maayos at mangakong kalimutan na ‘yung mga nakaraang isyu nila at magsimula sila sa simula na parang bagong kasal lang.

Sa ngayon, abala sila sa pag-aayos sa kanilang paglipat sa titirhan nilang condo sa Makati, ‘yung sosyal na One Roxas. Magkasama naman daw sila roon kahit nasa proseso pa raw sila na magiging okay.

NAKAAALIW PALA ITONG dyowa ni Mike Defensor na si Julie dahil ang hilig pala nito sa showbiz.

Nu’ng nakatsikahan namin siya minsan, ikinuwento nitong mahilig siyang manood ng mga teleserye at karamihan yata, mga soap sa ABS CBN 2, kaya pinakapaborito nito si Jericho Rosales.

Minsan daw nakita niya si Echo sa isang event, talagang nilapitan daw niya ito para sabihin lang na avid fan siya ng guwapong aktor.

Sabi pa ni Julie, kaya gustung-gusto raw niya si Jericho dahil lalaki raw ng dating.

Ibig sabihin ba nito may mga ilang aktor na hindi talaga lalaki ang dating?

Naku! Ayaw lang niyang magpaka-kontrobersiyal pero nadulas ito sa pagkuwento na merong isang hunk aktor na magaling ring kumanta na gumuho raw ang paghanga niya nang nakasabay niya minsan sa eroplano.

Kinilig pa naman daw siya nang nakita niyang makakasabay niya ito sa eroplano at halos magkalapit pa sila ng upuan, pero biglang naloka raw siya nang nakita niya itong nakipagkurutan sa katabi nitong lalaki.

Hindi raw niya kilala kung sino itong lalaking kakurutan nitong hunk actor, pero nagduda tuloy siya kung ano ba talaga itong hunk actor na ito.

Ewan ko lang, ha? Baka wala namang malisya ‘yung nakita niyang pagkukurutan nu’ng dalawang lalaki. Pero basta na-turn off lang daw siya kaya hindi na siya fan nitong hunk actor na ito.

Nakaaaliw magkuwento itong si Julie na kahit ang ganda-ganda niya at ang sosyal ng dating, masang-masa ang taste at malapit talaga siya sa mga tao.

Kaya plus factor talaga itong si Julie sa kandidatura ni Mike na tatakbong Mayor ng QC. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Magkasama sa lilipatang condo Kris Aquino at James Yap, okay na raw! – Lolit Solis

  1. Frankly my dear, I don’t give a damn! Kahit matulog si James sa maids’ room. Pag tapos ng eleksyon maghiwalay na kayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.