Magkasama sa Holy Week: Maja Salvador, seryosong liligawan ni Jason Abalos!

HANGGANG NGAYON, ZERO pa rin ang love life ni Jason Abalos. Kung kani-kaninong artistang babae iniugnay pero isa man sa kanila hindi niya sineryoso, bakit nga kaya? “Hindi naman, nagkataon lang na hindi nabibigyan ng panahon kasi magiging unfair sa babae kapag pinasok mo na hindi mo mabibigyan ng oras. Siguro, hindi pa lang para sa akin. Gusto ko rin pero hindi naman ako nagmamadali, kung talagang para sa akin, ‘yun ang mangyayari.

“Itong trabaho ibinigay sa akin ng Diyos, sobra na akong nagpapasalamat! Hindi na ako humihingi ng ano pa man, kung ibibigay ‘yung lovelife, parang bonus na ‘yun. Sobrang suwerte ko na, sa career okey ka, sa love life okey ka, ‘di ba?

Palagay namin, si Maja Salvador ang pinakamalapit sa puso ni Jason. Siya na kaya ang babaeng seseryosohin ng binatang actor? “Well… kasi, sila nagsisimula pa lang na artista, ako rin nagsisimula rin. Inisip ko rin ‘yung career ko. Sila inisip rin nila ‘yung career nila, kasi mga babae sila. ‘Pag pinasok ko ‘yun, tapos nasira ka ang pangit naman. ‘Pag dumating ‘yung time, seryoso kong liligawan si Maja. Ang ganda ng career niya, nakaangat siya, ang hirap harangin. Mahirap ‘yung ikaw ang maging dahilan para masira, ‘di ba?”

“Pareho kaming galing ng Norte ni Maja, Aparri siya, ako Nueva Ecija. Ilocano ang magulang niya, Ilocano rin kami. Alam mo ‘yung ugali, iisa. Ako kasi, gusto ko sa babae ‘yung nakikita ko ‘yung magulang ko, nandu’n yung ugali ng Mama ko. Si Maja kasi marami kaming napagkakasunduan. Like ngayon, pagkatapos ng Nagsimula Sa Puso, this Holy Week baka kami ang magkasama.

Buong cast pinaplano namin, magkasama-samang mag-out of town. Baka sa beach kami pumunta, three days siguro kami,”pag-amin ni Jason.

Paano na si Andi Eigenmann na napapabalitang super close daw kayo ngayon dahil sa inyong teleseryeng Agua Bendita? “Kailangan munang ipagpaalam kay Mama. Ha-ha-ha! Kasi nu’ng nagsisimula kami sa isang teleserye ni Tita Jaclyn Jose, nabalitaan namin ang gagawin namin ni Andi, ito nga. Sabi niya, ‘Alagaan mo ang anak ko, bantayan mo.’ Ibig siguro niyang sabihin, alalayan ko lang si Andi. Kung dumating ‘yung point na ano, hinihingi ng pagkakataon, hindi man namin gusto, parang ibinigay na…” say ni Jason.

DUMATING NG PINAS ang Korean super idol band U-Kiss na kinabibilangan nina Alexander, Kevin, Dong Ho, Eli, Ki Bum, Soo Hyun at Ki Seob. Nag-perform sila ng kanilang mga hits songs including several tracks from their current full-length studio album Only You, including their carrier single “Bingeul, Bingeul”.

For the very first time, nandito sila sa Manila for a series of successful mall shows at selected SM Malls last March 26 SM Mall, March 27 SM Clark, and March 28 SM North Edsa Annex. This is in line with the promotion of the band’s full-length, solo concert dito sa bansa this coming June.

Filipino fans can catch U-Kiss music videos sa music channel Myx while social networking website Friendster, which has a solid Filipino membership of 52 million, has put up an official fan-site para sa grupo where Pinoy fans can interact with U-Kiss and be updated with their exciting and latest activities by logging on to www.friendster.com/ukiss.

The promo tour here in the Philippines was arranged by GMA Artist Center’s Ida Henares through Poriya F&D Co. Limited chairman, Kris Jung. Ang mga Philippine representatives ng Poriya ay sina Ronnie Henares at Andy Kim. Katatapos lang nilang mag-guest sa Party Pilipinas, ang bagong Sunday variety show ng GMA-7 at Walang Tulugan ni German Moreno.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleWendy Valdez, nag-iipon para ma-annul ang kasal kay Bruce Quebral
Next articleRamos, nagbigay-payo: Gibo, malaki ang pag-asang umangat

No posts to display