Magkaroon lang ng blockbuster movie Enchong Dee, willing maghubad!

BILANG ARTISTA, NANGANGARAP rin si Enchong Dee na makagawa ng indie film, kahit alam niyang barya-barya lang ang TF na ibabayad sa kanya pero napag-uukulan ng pansin sa international market.

“Kasi, kakaibang experience ‘yung indie film. Unang-una, marami kang matututunan. Pangalawa, it’s a different environment. Pangatlo, ‘yung mga bagong filmmakers natin na sobrang passionate. Mayroon kasi silang drive na sila lang ang makakagawa so, I want to work with them,” say ni Enchong, ang bagong endorser ng Nutrilite.

Inamin ni Enchong na ready na siya to do sexy role at magpakita ng butt. “Kung magiging box-office naman, ready ako! Pangarap ko rin naman magkaroon ng box-office. ‘Yung ‘No Other Woman’ na-break ang record of ‘You Change My Life’. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na alam ko namang ganoon kaganda ‘yung project, game ako! May naisip na nga ako na gusto kong i-suggest sa kanila na kung papaano ako magbe-venture into sexy role, kaya lang siguro bibigyan pa muna nila ako ng pagkakataon. Sana… kasi, hanggang kailan tayo magiging bata, ‘di ba? Hanggang kailan ba tayo puwedeng maghubad nang ganito ?” Diretsong sabi ng aktor na hindi umiinom ng alak at hindi naninigarilyo. Clean living, ‘ika nga.

Pinantasya pala ni Enchong na maka-love scene si Anne Curtis. “Aside kay Anne, someone older para kakaiba naman, parang ‘yung ‘The Rebound’ ‘yung kay Catherine Zeta-Jones. Parang ganoon, maganda ang istorya at the sametime hindi siya super sexy. Wish ko, one day magkaroon ako ng ganu’ng klaseng pelikula with Gretchen Barretto.”

As a person, likas kay Enchong ang pagiging mabait at totoo sa sarili. Willing ba siyang gumawa ng indie film na opposite sa image na pino-portray niya sa telebisyon at pelikula? Malaking challenge ‘yun para sa kanya as an actor. Tinanong din namin ang binata kung sino ngayon ang sinasabi niyang inspiration. “Huwag muna ngayon, basta ang masasabi ko masaya ako ngayon, not necessarily you have your girl and having a relationship. Basta ‘yung inspirasyon na uuwi kang masaya ka. ‘Yung mga ganu’n,” turan niya.

Si Julia Montes kaya ang tinutukoy niyang nagpapasaya ngayon sa Tsinitong aktor? “Hindi ko masasabi kung siya, eh. Close kami, we’re happy, hindi lang kami nagkikita for awhile. Siguro kapag eighteen na siya… sinabi ko naman sa kanya, crush ko siya.”

Kung sakaling dumating ang time na maging sila ni Julia, first girlfriend ni Enchong ang dalaga sa showbiz . Ikinuwento rin ng aktor na naka-dalawang girlfriend na siya. “One sa swimming, one nu’ng college. Siguro kung dati natuloy (Julia), mahaba-haba na ngayon, bata pa siya. Wala pa naman, kapag mayroon na, we’re open naman,” pahayag niya.

Minsan nasabi ni Enchong na gusto muna niyang magdalaga si Julia bago nito ligawan. “Crush, there’s admiration hindi mo naman maaano ‘yun, ‘di ba?”

Kinamusta din namin siya kung anong relationship mayroon sila ni Erich Gonzales? “Kaibigan lang talaga ‘yung kay Erich. Noong start, mayroon naman siyempre, hindi mo maiaalis ‘yun. Pero along the way, kailangan mong iangat ‘yung professionalism. Hindi naman sa nawala, mas gusto lang naming magtrabaho.”

Hindi kaya maraming na-discover si Enchong kay Erich kaya nawala ang feeling nito sa dalaga? “Hindi naman siguro ideal, pero mas na-build-up ‘yung magkapatid or pagiging magkaibigan. Someone you can trust, someone you can lean on.”

Birthday pala ni Enchong Dee this coming November 5, anong wish niya? “Wish ko talaga mag-skydive pero hindi ko alam kung matutuloy. Kasi, once in a lifetime experience ‘yun. Kapag hindi ako pinayagan ng mga tao sa paligid ko, siguro ‘yung sa Subic, langoy with the dolphin,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

7 thoughts on “Magkaroon lang ng blockbuster movie Enchong Dee, willing maghubad!

  1. Pingback: Filipino Actor Enchong Dee Wants to Do Indie Films

  2. haha.. Magpapakita? Diba may BF daw yan sa pamp? Baka magalit yun? Saka xa magpapakita? Baka xa ang titingin ng mgpapakita’

  3. Langyaaa ka Enchong! ano to? feeling big star? namimili na ng projects? napaka conceited mo naman! hello ni wala ka pang napapatunayan, pasalamat ka nga si Erich ang ka-loveteam mo dahil nadadala ka nya sa pagsikat! kahit sya lang naman talaga ang may potential maging big star. Di pa nga napaghihiwalay ang EnRich loveteam, may plans ka na agad para sa sarili mo? talk about a selfish ***! Pero i agree sana nga mag-solo ka na, para naman di na tied up si Erich sa’yo. Tingnan lang natin kung ma-achieve mo pa yang mga dreams mo… I’m not a total hater pero reading your answers in this article parang may pagka “mayabang” feel na parang wala kang ka-loveteam! Sana lang gayahin mo si Erich sa pagka humble, na pag may natatanggap na blessings sine-share nya with you ang tagumpay! at di inaangkin kaya naman mas sikat si Erich kesa sa’yo! And ask yourself kung meron pa bang leading lady na mas makakapag-pasikat sa career sayo after Erich? I don’t think so!

  4. I believe merong love pa rin sa kanila ni Erich because it appears naturally sa mga scenes nila together. Hindi pilit ang acting but at some point probably the BORACAY trip of ASAP, they have decided to remain the best of friends para di sila maapektuhan sa work. Actually it was the right decision for the both of them, anyways, mga bata pa rin sila. lalo na ang mga lalaki in general, immature and for that matter Enchong as well. Madalas kasi inconsistent mga sagot niya sa interviews but with Erich laging consistent. We can never tell what will happen in the future. If God destined  them to be together walang hindrance. I love them both. and with Julia, crush lang naman and probably enfatuation lang, mas lalong bata pa yon para sa kanya..

  5. Ouch! Pero ok na rin kasi umaamin na si Enchong. Kahit hindi ang aminan na gusto ko, at least happy na ako at umaamin na siya sa mga bagay bagay. Magulo ang mundo nang showbiz – ang hirap hanapin ang katotohanan pero kung honest lang sana ang mga artista, hindi naman sana ganito kagulo diba. At dahil sa ginawa mong ito Enchong, napatunayan mong naniniwala kang matatalino ang mga fans mo. Ang dami dami sa amin ang nasaktan dahil umaasa kami sainyu ni Erich pero at the end of the day, tanggap namin ang personal choices ninyo. And andito pa rin kami to support your REEL lives. Mas nagiging thankful pa kami dahil kahit papaano, may mga Katorse, Tanging Yaman, Magkaribal at ngayun nga eh Maria la del Barrio kaming mabalik-balikan at ma enjoy :) Kaya, thank you rin sa article na ito. Mas naging malinaw na ang lahat… Sa mga ibang fans, huwag na po tayong bad vibes. Support support nlang para love lvoe love, joy joy joy!

Leave a Reply

Your email address will not be published.