Magkapatid, Tinuhog ng Tiyuhin

NAGREKLAMO SA kapulisan ng Lagao ang mag-kapatid na estudyante matapos umano silang pagsamantalahan ng sariling tiyuhin kamakailan sa General Santos City.

Ang mga biktima ay may edad na 15-anyos at 17-anyos na nakatira sa Barangay Baluan ng nasabing lungsod.

Ayon kay PO1 Tristan dela Cruz ng Lagao PNP, sinamahan ng kanilang mga magulang ang dalawang dalagita para isumbong ang suspek na nakilalang si Renato Diparini, 41-anyos, may asawa at nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Nais umano ng magkapatid na masampahan na agad ng kaukulang kaso ang kanilang tiyuhin at maparusahan.

Hinihintay na lamang ang resulta ng medical examination para sa pagsasampa ng kaso.

Sa ngayon, ang suspek ay naghihimas na ng rehas sa selda ng Lagao Police Station.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.