Magkapatid, tinuhog ng obrero

BAGSAK SA KULUNGAN ang isang construction worker matapos nitong halayin ang magkapatid na kapwa menor de edad at umano’y pareho nitong naging kasintahan sa Valenzuela City, iniulat kamakalawa ng hapon.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Valenzuela City Police at nahaharap sa kasong Consented Abduction in Relation to R.A. 7610 (Child Abuse Law) ang suspek na si Francisco Sequia, 29, tubong-Iloilo, at residente ng No.800 Capisara Anakdalita, Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City .

Sa ulat ni PO2 Amy Centro ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Valenzuela Police, dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek sa naturang lugar.

Ayon sa biktimang si Joan, (‘di tunay na pangalan), 14, ng Valenzuela City, nag-text sa kanya ang suspek na magkita sila sa Barangay Punturin.

Dito, agad namang tumu-ngo sa nasabing barangay ang biktima at nang magkita sila, dinala ito ni Sequia sa kanyang bahay saka ginahasa.

Nang maisakatuparan ng suspek ang makamundong pagnanasa nito ay pinauwi na niya si Joan, subalit pag-uwi sa bahay ay nagsumbong ito sa kanyang mga magulang.

Agad namang sinamahan ng kanyang mga magulang ang biktima sa nasabing himpilan ng pulisya, upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek na naging dahilan ng pagkakadakip nito.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng suspek na kasintahan nito si Joan, nang mag-break sila ng Ate nito noong buwan ng Mayo, 2011.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Magkapatid, tinuhog ng obrero

  1. ayaw niyang makulong ang BF nya. pero gusto ng magulang nya na makulong ang lalaki. minor de edad kse ang babae at 21 na ang lalaki. Ano ho ba ang pwede maging solusyon dto? tulong ho,

    r_A_c_h_e_l_l_e

  2. Ang kasong child abduction ba hanggang ilang taon makukulong? mayroon akong kaibigan na, may nangyari sa kanila ng BF niya, kagustuhan naman nila ito, ang kaso nalaman ito ng magulang niya. at kinasuhan ang BF nya na CONSENTED ABDUCTION. ano ba ang pwede solution dto?

Leave a Reply

Your email address will not be published.