Magkapatid, nalitson nang buhay

DALAWANG MAGKAPATID ANG nasawi makaraang masunog ang kanilang tahanan sa bayan ng Salcedo, Ilocos Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Stafany Ronquillo, 15 anyos; at Ryan Nicolas, 10 anyos, pawang residente ng Barangay Balidbid, Salcedo, Ilocos Sur.

Ayon sa ama ng mga biktima na si Nelson, nagising at nagulantang na lamang sila nang maramdaman ang init dahil malawak na ang apoy sa kanilang bahay pasado ala-1 ng madaling-araw kamakalawa.

Aniya, una niyang nailabas ang kanyang misis dahil katabi niya ito sa pagtulog subalit nang babalikan na ang magkapatid sa kabilang kwarto ay bigo na niya itong naisalba dahil wala nang madaanan.

Sa pagtatangka ni Nelson na masagip ang dalawang anak ay nasunog din ang ilang bahagi ng kanyang katawan subalit bigo aniya siya.

Ayon kay SFO1 Jason Baguryo, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang nasabing tahanan.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.