Magkapatid na starlet, mahihilig sa mga bagets!

HINDI NAMAN DAW third party ang dahilan kung bakit nag-split sina Shaina Magdayao at ang boyfriend niyang si John Prats, eh.

At gusto pa rin naman daw ng dalagang isa sa mga bida ng Rubi na maisalba pa niya ang friendship nila ni John.

Kaya nga, ang tanong kay Shaina nang mga nakaharap ito sa Latin night ng nasabing bagong serye, ano pa ba ang hinahanap niya kay John at ang maganda na sanang nakikita ng mga taong relasyon nila eh, umabot pa rin sa pahihiwalayan?

General kasi ang mga dahilang sinasabi ni Shaina. Pero mababanaag mo na ang isang ‘di nila mapagkasunduan ni John eh, diumano’y ang pagiging immature nito.

So, ang ibig bang sabihin nito eh, mas gusto na ni Shaina na mas may edad na sa kanya ang maging karelasyon niya matapos niyang mag-move on sa hiwalayan nila ni John?

Opinyon ng iba, sa makailang beses nang pakikipag-hiwalay ni John sa mga babaeng nagkaroon ng pitak sa puso niya –mukhang nasa binata ang pagkukulang o diperensiya.

Sabi ng mga miron, John daw should grow up! Literally ba ito o figuratively? Or both?

IN FAIRNESS NGA pala sa Rubi, binantayan namin ang unang gabing sumalang ito sa ere, huh!

Pinapalakpakan ko ang support dito ng mga bidang sina Angelica Panganiban, Shaina, Jake Cuenca at Diether Ocampo!

Eh, biruin n’yo naman, ni isa sa mga anino nila hindi pa nakita o gumalaw man lang sa unang gabi nila sa Primetime. Pero, hindi binitiwan ng mga manonood ang walang kupas na palitan ng akting ng mga bating na alaga ni Ed Instrella –Cherry Pie Picache, Alan Paule at Gardo Versoza – at dinagdagan pa ng isang Cherie Gil na sinabayan ng akting ng mga bata.

Tumawid ang mga eksena na wala pa ang mga bida, sa pag-establish sa ilalantad na karakter ni Rubi, sa paglaki at pagdadalaga niya.

These are the real gems of the industry kaya, hindi dapat na mine-menos-menos ang mga gaya nila!

SA CARIBBEAN DAW gustong gawin ng bida naman sa Habang May Buhay na si Judy Ann Santos ang baby nila ng isa na sa Eat…Bulaga! hosts na si Ryan Agoncillo.

Pero, nasa planning stage pa lang daw ang dalawa sa second honeymoon nila, na nadesisyunan na rin nilang talagang silang dalawa lang at kakayanin nang iwan muna saglit ang kanilang baby na si Yohan.

Pinag-iingatan na ngang mabuti ni Judai ang paghahanda sa kanyang pagbubuntis. Isang himala nga raw kung sa taong ito eh, makamit na nila ang pinakamimithi nilang mag-asawa. At bakit naman ipagkakait ‘yun sa kanila kung humingi sila sa langit ng isa pang blessing?

BLIND ITEM: PINAG-IINITAN ng press ang drama ng dalawang magkapatid na starlet. Dahil mga bagets daw ang pinupuntirya ng mga ito. At kesehodang hinaharap na sila ng managers ng mga nilu-lure nilang makasama in a moment of pleasure ang natitipuhan nila, lalo at nakakasama nila sa isang proyekto, deadma lang ang magkapatid. Na kung tutuusin, ‘di naman kukuwestiyunin ang talento sa akting. ‘Yun nga lang, hanggang doon lang talaga.

Pero, sabi ng mga managers na nakakausap namin, parang sakit na raw ito ng magkapatid. Na laging may hinahanap para umaliw sa kanila. Mga sariwang dugo, ha? Kaya siguro, looking-bata rin sila.

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

5 thoughts on “Magkapatid na starlet, mahihilig sa mga bagets!

  1. Ang Ganda ng Rubi… sobrang naiintindihan mo kung bakit nagkaganun sya when she grow up… Sobrang tumimo sa utak nya ung naging experience nya when she was still young… More power to the Cast.. Specially to Angelica….

Leave a Reply

Your email address will not be published.