Magkapatid na celebrity, nag-aaway dahil sa pera!

 

ALAM NAMAN natin na ‘pag magkapatid na ang nag-away, ‘wag kang kumampi kahit kanino sa kanila, dahil magkapatid nga ‘yan, magkakaayos din ang mga ‘yan.

‘Pag me kinampihan ka, sigurado, ‘pag nagkabati ang mga ‘yan, galit naman sa ‘yo ‘yung isa.

Kaya hangad namin na sana ay magkaayos na ang magkapatid na ito na parehong aktibo sa showbiz.

Nabubuwisit kasi itong si Bunso ke Panganay, dahil hanggang ngayon, ‘yung P1.8M na utang sa kanya ni Panganay ay hanggang ngayon, hindi pa siya nababayaran.

Ang masaklap pa du’n, nagmamalaki pa raw si Panganay, kaya sa buwisit ni Bunso, kung anu-ano na ang itinatawag sa Panganay. At sasabihin naman ni Panganay sa kanya, “Bahala na ang Diyos sa ‘yo.”

Eh, nabubuwisit lalo si Bunso, dahil kung me Diyos sa puso ni Panganay, ba’t kailangang gumawa nito ng mga bagay na labag sa mata ng Diyos?

Gaya ng ano?

Una, hinding-hindi makalimutan ni Bunso na “ineksenahan” ni Panganay ang kanyang syota eh, alam naman nitong syota niya ‘yon.

Pero kapatid eh. Anuman ang mangyari, magkakapatawaran ‘yan. Ang kaso mo, ‘yung hiniram sa kanya nitong P1.8M, hindi pa ibinabalik ni Panganay.

Hindi naman sa nangangailangan si Bunso, ang punto lang nito, “Utang ‘yon, dapat, bayaran niya!”

Eh, ‘pag tinopak pa naman si Bunso, nagwawala ito at kung anu-anong masasakit na salita na ang ibinubuka ng bibig nito, kaya sa sobrang galit, tineks nito ang current syota ni Panganay.

Something like, iwasan na si Panganay at baka bigyan siya nito ng sakit, dahil kung kani-kanino nali-link si Panganay.

Banta pa ni Bunso, “’Pag hindi pa niya tinigilan ang kaplastikan niya at hindi pa niya ‘ko binayaran, makakatikim siya sa akin at wala akong pakialam kung mas matanda pa siya sa ‘kin!”

Hay, nako… ammm… makapagbanyo nga muna’t bigla kaming naihi!

(By Ogie Diaz)

loading...

14 thoughts on “Magkapatid na celebrity, nag-aaway dahil sa pera!

  1. NAKU YANG MAGKAPATID NA YAN EH PAREHO LNG NA MADUDUMING BABAE. KUNG MAY UTANG MAN YUNG ATE NYA SA KANYA EH DAPAT WAG NA NYA SINGILIN KC NUNG MARAMING PERA YUNG ATE NYA SINUSUPORTAHAN ANG LUHO NILA KESEHODANG MAGBENTA PA C ATE NG KATAWAN NYA KUNG KANI-KANINONG LALAKE. AT WAG NG MAGMALINIS C CRISTINE KC PUTA RIN CYA NO MANINIWALA BA KO NA C RAYVER NGUSO ANG NAKA-DONSELYA SA KANYA! BWAHAHAHAHHAHAHAHAH

  2. hindi si angel locsin to. pahinga daw muna sya sa blind items kasi kagagaling lang niya sa hongkong. namiss niya ng husto si phil kaya lovey lovey muna sila. walang siyang palalampasing oras kasi tagal nilang hindi nag hunkie pankie, tindi talaga ni anghet ayaw palampasin yung wankie ni phil kahit may balot!!! uLOL

  3. Paano nawalan ng Fafang Chinses si Ate eh? Yan di mabayaran ang utang na P1.8 Million!! Ismart is Fafa! Christine sa sunod nalang mayamang FAFA, baka makasuerte si Ateng– sa Arabo naman!

  4. hindi si marian rivera to. pahinga daw muna sya sa blind items kasi busy sya sa pagkainsekyora kay katrina. pati retokadang buntis di pinalampas, tindi mo teh!!! lol

  5. pasensya ka na kapricho, walang laman ang utak ni hugopahada kasi walang pinagaralan yan. IMBECILE nga eh! Walang alam na tirahin kundi ang ABS-CBN. Hoi pahada, make use of urself at wag kang pahalata na bobita/bobito ka. Ang alam ko lang na ganyan ang ugali ay mga kapusucks!

  6. kelangan talaga dawit ang abs-cbn sa asal ni christine? indibidwal na tao yun. may sariling opinion at pag iisip na hindi kinakailangan diktahan ng ibang tao or ng network kung anu ang kanyang gagawin at iaasal kaya sa pag kokomento maging wise tayo. hindi porke’t kapuso, kapamilya, kapatid, pamangkin, kabalunbalulan o atay pa yan ay may kinalaman sa mga sasabihin ng artista nila.

  7. Agree ako kay matutina. Sina Ara Mina at ang female star ng ABS CBN na si Christine Reyes. Shame shame shame on KAPAMILYA Christine Reyes! Nakakahiya talaga ang artista ng ABS CBN na iyan sa inaasal sa ate niya! Tsuk!

Leave a Reply

Your email address will not be published.