Magkapatid na Bigtime Drug Pushers, tiklo sa CDO

NAARESTO NG Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10 operatives sa isinagawang drug buy-bust operations ang apat na drug pusher sa Cagayan de Oro City.

Sinabi ni PDEA regional deputy director RayFord Yap na kabilang sa kani-lang naaresto ang top drug dealer ng rehiyon na si Mahal Cortez, residente sa Brgy. Bayabas ng syudad.

Ayon kay Yap, si Cortez ay ang kanilang kinokonsidera na numero uno sa listahang ng kanilang “order of battle” hinggil sa illegal drugs.

Sinabi pa ni Yap na naaresto rin nila ang kapatid ni Mahal na si John Rey Cortez na nasa listahan din ng mga wanted.

Ang magkapatid umano ang itinuro ng isang pang naaresto na si Mark Anthony Reyes alyas Jojo Reyes na taga-Brgy. Iponan na kanyang drug supplier sa loob ng dalawang taon, dagdag pa ni Yap.

Nahuli rin nila ang kasama pa ng tatlo na si Arnel Mugot na taga-Brgy. Puntod sa syudad.

Samantala, nakuha sa pag-iingat ng mga salarin ang tinatayang 50 gramo ng Shabu na may market value na umaabot sa P300,000.

Matatandaa na noong nakaraang linggo, nahuli rin ng PDEA operatives ang dalawang big time drug pushers sa syudad at sa Iligan City kung saan nakuhanan ang mga ito ng tinatayang P4 milyon halaga ng drogang shabu.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.