Magkapatid na Bebot, Kulong sa Pamimitas ng Cellphone

KULONG ANG magkapatid na babae matapos hablutin ang cellphone ng lalaki habang naglalakad ang huli sa Malabon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang magka-patid na sina Gladys, 38; at Marianne Cruz, 35, kapwa ng Phase 3, Longos ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat, alas-2 ng u-maga, naglalakad ang biktimang si Edmon Santua, 40, habang hawak ang cellphone sa C-4 Road, Longos nang sumulpot sa magkahiwalay na direksiyon ang mga suspek at pagtulungang agawin ang cellphone ng biktima.

Nang makuha ay tumakas sa magkaibang direksiyon ang magka-patid habang nakahingi ng tulong sa mga pulis ang biktima.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang mga suspek at nabawi ang cellphone ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.