Magkapatid, kritikal sa kainuman

KRITIKAL ANG magka-patid matapos pagsasaksakin ng kapitbahay nang magtalo habang nag-iinuman sa Caloocan City kahapon ng hatinggabi.

Kapwa ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga saksak sina Jervy, 30; at Oliver Sanico, 34 kapwa ng Tullahan Rd., Sta. Quiteria ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Leo Caldes, nasa hustong gulang at kapitbahay ng mga biktima.

Base sa ulat, alas-12 ng hatinggabi, kainuman ng magkapatid ang suspek malapit sa kanilang bahay nang sa hindi pa batid na kadahilanan ay nagtalo.

Nagbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang magkapatid bago tumakas.

Dinala ang magka-patid sa EAMC kung saan inaalam na ang ugat ng pinagtalunan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.