Magkapatid, kalaboso sa pagwawala sa videoke bar

INIREKLAMO NG isang police intern ang magkapatid na nanggulo sa isang videoke bar sa

Naga City kamakailan.

Base sa salaysay ni Michel Mercado, isang police intern sa lungsod, sinabi nito na nagsimula ang gulo nang kumanta siya sa bar at hindi nagustuhan ng magkapatid na Patrick at Adrian Cledera.

Nagwala umano si Patrick at ibinalibag ang mga monobloc na upuan.

Sa halip na awatin ay sinuntok pa umano si Mercado ng kasama ng magkapatid na nakilala lamang sa pangalang Troy.

Nadakip naman ang magkapatid nang rumesponde ang mga awtoridad subalit nakatakas si Troy.

Nagsisisi naman ang magkapatid sa nagawa lalo na si Patrick na kasalukuyang nag-aaral sa kursong Criminology.

Samantala, nananatili pa rin sa kulungan ang dalawa habang desidido naman si Mercado na sampahan sila ng kaukulang kaso.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.