Magkamag-anak, Sugatan sa Kalaban

SUGATAN ANG dalawang magkamag-anak matapos paluin ng bote ay sumpakin ng dalawang kapit-bahay na nakaaway ng mga una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kapwa ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng putok sa ulo si Jehrho Policarpio, 28, habang tama naman ng bala ng sumpak sa kanang hita si Rodelio Seduar, Jr., 21, kapwa ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Nadakip naman sina Rodolfo Tayas, 48, at Bruno Dela Cruz, 30, mga kapit-bahay ng mga biktima.

Sa ulat, alas-9 ng gabi, lasing na naglalakad sina Policarpio at Tayas sa nasabing lugar nang magtalo at hatawin ng bote sa ulo ng huli ang una.

Umuwi si Policarpio at nagsumbong sa mga kaanak na naging dahilan upang puntuhan si Tayas upang kausapin.

Papalapit pa lang ang mga biktima kasama ang ilang kamag-anak ay lumabas si Dela Cruz at nagpaputok ng sumpak at tinamaan si Seduar.

Agad na dinala ang mga biktima sa JRH habang nadakip naman ang mga suspek kung saan inaalam na ang pinagmulan ng nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.