Magkalaguyong Pulis, Huli sa akto ni Misis

HUMAHANGOS NA ipinaaresto ng isang misis ang kanyang asawa na pulis, kasama ang kalaguyo nito na pulis din, na nakatalaga sa Malolos Police Station sa Brgy. Bulihan, Malolos City.

Sa ulat na nakara-ting sa tanggapan ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang mga dinakip na pulis na sina PO2 Christopher Ramiscal Y Navarro, 33 anyos, at PO1 Michelle  Alveor Y Collado, 33anyos, kapwa nakatalaga sa nabanggit na lungsod, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Rosette Ramiscal Y Villapando 30 anyos, residente sa nabangit na barangay.

Base sa salaysay ng biktima, nito lamang Setyembre 12 ganap na alas-3 ng madaling-araw nang makita nito sa Facebook ang larawan ng kanilang bahay habang nag-iinuman umano ang mga suspek.

Dahil dito, agad niyang tinawagan ang kanyang mister sa cellphone kung saan nagri-ring lamang ito, kaya nagpasya itong umuwi ng kanilang bahay. Laking gulat nito nang masilip niya sa bintana ng kanilang bahay ang kapwa hubad na katawan ng kanyang mister at ng kasiping nitong si PO1 Collado.

Matapos na madiskubre ang pagsalaula ng kanyang asawa sa kanilang bahay, agad itong lumabas ang subdivission, kung saan nagkataon na dumadaan ang patrol ng PNP. Dito na ipinaaresto ang magkalaguyong  pulis na kapwa bangag pa sa alak.

Samantala, desidido naman si Rosette, na kasuhan ang dalawang pulis sa piskalya ng Concubinage o pakikiapid, habang nasa kustodiya ng Malolos Police Station.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.