Magkalaguyo, pinagbabaril patay

NAGWAKAS ANG MALIGAYANG araw ng magkalaguyo na kinabibilangan ng isang traffic enforcer at umano’y kaulayaw na ginang matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga salarin habang ang mga una ay masayang nag-iinuman at nag-aawitan sa sing-a-long eatery kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng tinamong tama ng bala ng handgun sa ulo at katawan ang biktimang si Merelyn Boleche y Garin, 27, dalaga, ng Paulino Compound, Bgy. 174, Camarin, Caloocan City.

Binawian rin ng buhay nang idating sa Bernardino General Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng handgun sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Robert Sadang y Macabeo, 53, may-asawa, Special Traffic Assistance Group ng RDPSTM North Caloocan City hall, ng No. 2618 Capt. Rico Street, Bgy. 174, Camarin ng nasabing lungsod.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng Caloocan police sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga hindi kilalang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril lulan ng motorsiklo na walang plaka.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng Baby’s Eatery na matatagpuan sa Zapote Road Corner Mirasol Street, Bgy. 177, Camarin ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga saksi, pumasok sa nasabing sing-a-long eatery ang mga biktima para kumain at habang nasa kasarapan ng kainan ay uminom pa ang mga ito at nag-videoke.

Hanggang sa hindi namalayan nina Sadang at Boleche ang pagsulpot ng mga suspek kung saan isa sa mga ito ang bumunot ng baril at walang habas na pinaputukan ang mga biktima, saka mabilis na pinaharurot ang motorsiklo sa pagtakas.

Halos hindi man lamang nakaalis sa kanyang kinauupuan si Boleche na agad itong binawian ng buhay habang patay naman nang idating sa nasabing pagamutan si Sadang.

Inaalam na rin ng pulisya ang tunay na motibo sa pagpaslang ng mga suspek sa mga biktima kung saan isa sa tinitingnan na ang gulo ay love triangle.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.