Magkalaguyo, Natagpuang Patay sa Isabela

WALA NANG buhay nang matagpuan ang pinaniniwalaang mag-live-in partner sa kanilang tinutulu-yang kubo sa mabundok na bahagi ng Sitio Siagot, Barangay Villa Imelda sa Isabela.

Base sa report  ng PNP Ilagan, ang mga natagpuang bangkay ay nakilalang sina Mario Melendez, 50, hiwalay sa asawa at ang kanyang kinakasama na nakilala lamang sa pangalang Maryrose, isa ring hiwalay sa asawa.

Ang dalawa ay nasa stage of decomposition na nang matagpuan ng mga awtoridad.

Si Melendez ay nagtamo ng saksak sa kanyang kanang dibdib at taga sa kanyang mukha samantalang si Maryrose naman ay may taga sa kanyang lalamunan.

Ang dalawang bangkay ay dinala na sa isang punerarya sa naturang lugar.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga nasa likod nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.