Magkaklase, Nilamon ng Ilog; 1 Pa, Nawawala

PATAY ANG magkaklase matapos malunod sa ilog sa bayan ng Dingle sa Iloilo kamakailan.

Dead-on-arrival sa Iloilo Provincial Hospital sina Glaiza Mae Biaco at Karen Jean Cabucos.

Nakaligtas naman ang isa pa nilang kaklase na si Kyla Antonette Parcon, habang patuloy na pinaghahanap si Dona Amor Provido.

Ayon sa salaysay ni Parcon, nagkayayaan silang mamasyal at maligo sa ilog. Hindi aniya nila namalayang umabot na sila sa gitna at malalim na parte ng ilog.

Wala aniyang ma-runong lumangoy sa kanila kaya nalunod ang dalawa sa kanila.

Samantala, pawang mga first year students ng Mater Carmeli School ang mga biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.