Magkakapatid, Nalason sa Pusit

ISINUGOD ANG tatlong batang magkakapatid sa Aklan Provincial Hospital matapos malason sa kinaing pusit sa Brgy. Andagao, Kalibo ng nasabing lalawigan.

Nakilala ang mga biktima na sina Kenneth Huyumpa, 7; Brenneth Huyumpa, 8; at ang ate nilang si April Huyumpa, 13.

Napag-alaman na dinala sa pagamutan ang magkakapatid na dumanas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at panghihina dahil sa kinaing pusit na matagal na raw nakalagay sa refrigerator at ininit lamang ng kanilang ina.

Samantala, nasa ligtas nang kalagayan ang mga biktima matapos agad malapatan ng lunas.

Food poisoning with severe dehydration ang resulta ng ginawang pag-aaral ng mga doktor sa magkakapatid.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.