Magkakapatid, nagkagulo sa b-day party ni Ruffa Gutierrez
Richard Gutierrez, inumbag si Ritchie Paul?!

UNTI-UNTI NANG kumakalat itong nangyari sa birthday party ni Ruffa Gutierrez, kung saan inumbag daw ni Richard Gutierrez ang kapatid niyang si Ritchie Paul.

Ewan ko lang kung ano talaga ang totoo rito, pero nagkaroon nga raw ng gulo sa magkakapatid.

Natigil na lang daw sila nang ang Daddy nilang si Eddie Gutierrez na mismo ang umawat at nagalit sa ginawa ng mga anak niya.

Siyempre si Ruffa ang naloka raw dahil sa birthday na naman niya. Ganu’n yata talaga! Tuwing nagsi-celebrate ng kaarawan niya, laging may gulong nangyayari.

Pero tahimik lang muna ang pamilya Gutierrez ngayon at hanggang kuwentuhan lang ito sa umpukan ng showbiz gatherings.

I’m sure ayaw naman nilang pag-usapan ito dahil gulo naman ito ng pamilya.

Bukod pa riyan, nagpu-promote ngayon si Richard ng My Lady Boss, at hindi lang ito makatutulong.

Hanggang kuwentuhan lang naman ito at tiyak walang may magkukumpirma sa kanila.

Tingnan na lang natin sa Sabado, dahil alam ko magpu-promote si Richard kasama si Marian Rivera sa Startalk para sa pelikula nila. Kaya abangan na lang natin ‘yan.

 

AYAN! AKO na ngayon ang inaaway ni Jackie Forster dahil sa sinabi ng anak niya na ayaw pa raw siyang makita.

Sa totoo lang, hindi ko talaga akalain na ‘yun ang isasagot ni Andre Paras.

Bago sila isinalang, sinabi ko naman na itatanong ko ‘yan sa kanila at okay naman daw. Ang sabi nga nila, kapag may time daw okay lang. Parang isu-showbiz lang yata ang sagot. Pero iba ang sinabi at napaiyak pa nga ito. Kaya nagulat talaga ako, at bilang isa ring nanay, parang nalungkot din ako para kay Jackie.

Tapos ako na ngayon ang masama. Ako pa raw ang nanggamit sa mga bata para palabasin siyang masama.

Diyos ko! Matuturuan mo ba ‘yung mga batang ‘yun?

Sa totoo lang, hanggang gabi iniisip ko pa rin ‘yun at nalungkot din ako dahil hindi talaga maganda na parang itinakwil ka na ng sarili mong anak. Masakit talaga ‘yun para sa isang ina. Pero sino ba ang masisisi mo riyan? Wala namang ginagawang pangbi-brainwash si Benjie sa kanila. Nakita lang talaga ng mga bata na ibang-iba ang pag-aalaga at pagpapalaki sa kanila ng Mommy Lyxene nila. Kaya very vocal sila na mahal na mahal nila ang Mommy Lyxene nila kesa sa tunay nilang ina.

Ngayon nga ay pinagsasabihan na sila ni Benjie na tumigil na dahil nagtu-tweet pa rin daw itong mga bagets nang irita nila sa kanilang ina.

Sa totoo lang, bilib talaga ako kay Benjie dahil lagi niyang pinagsasabihan ang mga anak niya na huwag na huwag silang magsalita laban sa kanilang ina. At the end of the day, nanay pa rin nila ‘yun. Kaya mabuting tahimik na lang at huwag nang magsalita.

Nagalit nga si Benjie at napag-usapan ‘yun sa Startalk dahil ayaw niya talagang magsalita ang mga bata tungkol diyan.

Sana alam ni Jackie ‘yan, at huwag niyang isisi sa iba ang nangyayari sa kanila ng kanyang mga anak.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Magkakapatid, nagkagulo sa b-day party ni Ruffa Gutierrez
Richard Gutierrez, inumbag si Ritchie Paul?!

  1. Mall tour ng My Husbands Lover kagabi sa Robinsons imus, pero t-shirt n may tatak ng My Lady Biss yung give aways nila. Understandable nman kc gma production yon. Pero sana may freebies sila ng mhl.

  2. GANYAN NAMAN TALAGA ANG MGA GUTIERREZ MAHILIG SA GULO AT INTRIGA… PERO MAS PAG-UUSAPAN SIGURO KUNG SI RAYMOND ANG NABALITANG NANG-UMBAG HAHAHAHAHAHAHA! KALOKHA!

    • HAHAHAHA. BAKA SIYA ANG JINO-JOMBAG NG MHIN. KALOWKAH. KITA MO NA BA ANG STOLEN PHOTO NYA WITH DJ CALLUM DAVID SA SINGAPORE BA YUN? KALOWKAH ANG DALAWA HA. TRULILI PALA ANG CHIZMAX.

  3. NAKOH, WHAT ELSE IS NEW WITH THE GUTIERREZES? PARA SILANG MGA KARDASHIANS. ANG GAGANDA’T ANG GAGWAPO PERO MGA PUBLICITY-HUNGRY. DEVAH?

  4. Mainit lang ang ulo ni Richard kasi hindi pa man naipapalabas ang pelikula niyang My Lady Busabos alam niyang flop na.

  5. NAKO NEGA NA NAMAN ANG DATING NG BANO NA RICHaRD PATI SI MARIAN AMOY FLOP NA NAMAN ITONG MY LADY NA TATLONG BESES NAURONG SANA MALAGPASAN ANG 5M NA KTA NG SEDUCTION

  6. Lolit,

    Sabihan mo kay Benjie Paras na ipakita naman nya yung mga anak nya kay Jackie bilang ina. Isipin na lang nya na kung hindi kay Jackie, wala siyang mga anak na magaganda ang hitsura dahil siya mukha siyang bakulaw, okay? Kunyari hindi pinipilit ang mga anak. If he wants to he can tell his sons that as a mother, maski anong kasalanan, dapat respetohin, di ba?

    • Elnnore, yong mismong mga bata ang ayaw makita ang ina nila, kc may nakita sila na nong magkaksama sila sa boracay, kya simula noon hindi na nila mapatwad ang nanay nila. 

    • hind mo mappilit ang mga bata truma sa kaggawan ni jackie   sus me  lahat yon nakatatak sa utak ng bata anong ssabihn benjei   dun mga nakita   nila?   sinabi na ni benjie na igalang parin ayaw ng mga bata  sus me si jackie may kakagawan niyan  magsalita siya laban kay benie sana noon pa natalo na nga siya sa korte?  mga nanak pa mismo    testigo laban sa kanya.nakkita mga nanak mo iab iba kasama monfg lalak? hello!      pruo dakdak naman siya isa pa hind siya pinagbabawalan dalawin yung mga anak ang ayaw sino ba ngbigay ng trauma diyan sa mga bata?

  7. Marunong na palang Mang-umbag itong dalahirang beki na si Chard-Charing Gutierrez,, Kala ko kurot, bunganga at sampal lang ang gamit nya pag nakikipag away. Hi hi hi hi hi hi hi..

Leave a Reply

Your email address will not be published.