Magkakamag-anak, Sugatan sa Siga

SUGATAN ANG magkaka-mag-anak matapos sapakin at barilin ng siga sa kanilang lugar sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa mga katawan sina Romeo Jimenez, 32; at kaanak na si Arsenio Mendoza, 43; habang putok naman ang nguso ang kuya ng una na si Carlos, 39 pawang ng Sadino St., Tangos ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Leo Balat.

Batay sa ulat, dakong alas-9 ng gabi, nakikipag-inuman si Carlos malapit sa kanilang bahay nang lapitan at sapakin ng suspek.

Bagsak si Carlos at nang makabangon ay nagtatakbo habang sumisigaw ng tulong papunta sa kanilang bahay.

Narinig naman ng dalawa pang biktima ang sigaw ng kaanak na naging dahilan upang lumabas at alamin subalit ang mga una naman ang pinagbabaril ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa JRMMC ang mga biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.