Magkakamag-anak; 1 pa, Kulong sa Cyber Sex

KULONG ANG magkakamag-anak at isa pa matapos salakayin ang ginawang cyber sex den ng mga una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Cheana Mae Arpista, 24; Maria Theresa Arpista, 22; Maritess Arpista, 45, pawang ng Libis Baesa ng lungsod at Jennydel Magarso, 20, ng Batimana Compd., Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Sa pahayag ni Mary Jane Palacio, 20 ng San Mateo Rizal, inalok siya ng trabaho bilang call center agent ni Cheana Mae at dinala sa bahay ng huli subalit laking gulat nang sabihan na maghubad sa harap ng camera.

Sinabi pa ni Cheana May na 1.99$ ang ibabayad sa kanya kada minuto subalit tumanggi si Palacio.

Hindi na pinalabas ang biktima hanggang sa makakuha ng tiyempong makatakas at magsumbong sa mga pulis na naging dahilan upang magsagawa ng pagsalakay alas-10:30 ng gabi.

Nakakuha ang mga pulis ng mga computer at mga sex toy sa mga suspek na naging dahilan upang dakpin at dalhin sa presinto.

 (MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.