Magkaibigang Karnaper, Tiklo

HULI SA akto ng mga awtoridad ang magkaibigan habang binabaklas ang ninakaw na motorsiklo sa Brgy. Igulot, Bocaue, Bulacan.

Sa ulat na nakara-ting sa Camp Gen. Alejo Santos, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Kenneth Loreto, 26 anyos, ng Brgy. Igulot; at Aramis Devin Crisostomo, 27, ng Brgy. Bambang.

Ganap na alas-4 ng madaling -araw nang matukoy ang bahay ng suspek na si Kenneth, habang nasa aktong binabaklas ang motorsiklo na pag-aari umano ng isa sa kani-lang naging biktima na si Nathaniel Lazaro, 26 anyos.

Nakuha sa lugar ang chop-chop na motorsiklo at iba’t ibang mga piyesa ng ninakaw na motorsiklo na may plakang HO 8395.

Samantala detenido ang dalawa sa Bocaue Municipal Jail habang inihahanda ang kasong Carnapping.

(TONY DELA PEÑA)    

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.