Magkaibigang Adik, Tiklo sa Parak

 

KULONG ANG isang magkaibigan, makaraang madakma ng mga nagrorondang barangay tanod, matapos ireklamo ng pagnanakaw ng pitaka na naglalaman ng P16,000 mula sa drawer ng isang tindahan sa Brgy. Tibag, Pulilan, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Camilo Lintao kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Ariel Alde, 19; at Kim Jasher Sanches, 18, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon sa biktimang negosyante na si Marirose Gomez, 44, dakong alas-12 ng madaling-araw nang mawala sa kanyang drawer sa loob ng kanyang tindahan ang kanyang wallet na naglalaman ng 16 na libong piso.

Nabatid na ang mag-kaibigan lamang na suspek ang naka-istambay sa naturang tindahan nang mawala ang pitaka ng negosyante. Bunsod nito’y agad na nakapagsumbong ang biktima sa mga tanod at agad na tinugis ang mga suspek at agad namang nadakip dakong ala-6 ng umaga at na-recover din ang pitaka ng negosyante na nawawala ang laman.

Dahil sa search operation, aksidenteng nakuha sa bulsa ni Ariel ang isang sachet ng Shabu, bagay na nagbigay ng matinding takot sa dalawa.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, napilitang umamin ang dalawa kung saan itinuro ng mga ito kung saan nila itinago ang ninakaw na pera na P5,600 na natagpuan sa loob ng comfort room ng barangay hall.

Samantala, nahaharap ngayon sa kasong Theft at kasong paglabag sa Sec. 11 Article ll ng Republic Act 9165 ang dalawang suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.