Magkaibigan, Nagbarilan; 1 Patay, 1 Kritikal

DEAD ON the spot ang isang lalaki habang kritikal naman ang kaibigan nito matapos mag-away habang nag-iinuman sa bayan ng Tampakan, South Cotabato kamakailan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Bobong Martinez, 48; habang ang nasa kritikal na kondisyon naman si Romy Intay, kapwa residente ng Purok San Isidro, Barangay Poblacion, Tampakan, South Cotabato.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Tampakan PNP, napag-alaman na magkasamang nag-iinuman ang magkaibigan pero nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa palitan ng putok.

Ang nasawi na si Martinez umano ang unang namaril matapos nitong agawin ang sukbit na shotgun ng kaibigang si Intay.

Nag-agawan pa ng shotgun ang magkaibigan hanggang sa aksidenteng natamaan si Martinez sa dibdib.

Nagawa pa umano nitong maagaw ang shotgun sa kaibigan at nabaril din sa tiyan si Intay.

Samantala, patuloy na ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital ang kritikal na si Intay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.